Luke 11:9-13

9Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo sa Dios, at bibigyan niya kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang inyong hinahanap, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo. 10Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan. 11Kayong mga magulang,
magulang: sa literal, ama.
kung ang anak nʼyo ay humihingi ng isda, ahas ba ang ibibigay ninyo?
12At kung humihingi siya ng itlog, alakdan ba ang ibibigay ninyo? 13Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya.”

Copyright information for TglASD